Martes, Disyembre 5, 2017

THE FOUNDATION OF YOUR SUCCESS


Alam mo ba na building your business is like building your house. Mag uumpisa yan sa pagpa plano, anong klase ng bahay yung gusto mo? Gaano kalaki?

➡️Ilang floor?
➡️Ilang kwarto?

Dapat ma picture out mo mismo sa sarili mo yung kalalabasan pag tapos na. Maging malinaw sayo sa isipan mo bago matapos.

Kagaya ng pagtatayo ng bahay, kaylangan natin ng mga tools, equipment, mason, etc. para masigurado na hindi guguho yung itatayo mong bahay.
Kaylangan na matibay yung haligi para hindi basta-basta babagsak pag may unos
na darating.Siguro naintindihan muna kung anong gusto kung iparating sayo.

Sa Network Marketing business na bini-build mo, kaylangan mo din umpisahan muna sa pundasyon, kagaya ng pagtatayo mo ng isang bahay kaylangan mo din ng mga tools (libro, video course, proper training) para matibay yung pundasyon nito. Na kahit ilang rejections pa yung matagggap mo ay hindi ka
basta –basta hihinto kasi naniniwala ka sa sarili mo na kaya mo.

Karamihan kasi ng mga networkers ay basta nalang nagtatayo ng business
nila ng walang matibay na pundasyon. Hindi sila naglalaan ng oras para pag aralan yung negosyo. Wala silang proper trainings kaya na reject lang ng isang beses, nasulutan lang ng prospect ay sumuko na agad.

Kung gusto mo kasing maging successful sa kahit ano pang career, kaylangan mong mag acquire ng mga tamang knowledge and skills sa sarili mo.

Imagine nong nag aaral ka pa, diba ilang taon yung ginogol mo bago ka nakapag tapos sa kurso na gusto mo. Pagka graduate mo ba masasabi mo sa sarili
mo na alam muna lahat? Mayaman kana ba? Syempre hindi, nag uumpisa ka pa
lang sa journey mo.
Kaylangan mo muna i-apply yung natutunan mo sa school sa pamamagitan ng paghahanap ng trabaho, ganun kasi tayong mga pinoy nag aaral tayo para
maging empleyedo. Para payamanin lalo yung ibang tao.
Please don’t get me wrong, naranasan ko din maging empleyado at na realiaze ko na busy lang pala ako payamanin yung boss ko imbesa yung sarili ko.

Hindi ba’t mas maganda na yung ginagawa mo ay sarili mong pag mamay-ari, sarili mong negosyo. Ikaw yung may control. Nung naintindihan ko to, ginawa
ko lahat ng aking makakaya para pag aralan itong network marketing business.

Nag invest ako ng time at pera para pambili ng tools (libro, video courses), nag uumpisa din ako humanap ng taong makakatulong sa akin. Ito yung best na ma advice ko sayo, to find a mentor na gusto mo maging.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento