1. Know Your GOAL - Para magkaresulta, kailangan mo ng high level of focus. Kailangan may isa kang goal na inaabot. Yun lang ang focus mo dapat.
Dahil kung wala kang goal, kung anu-ano nalang ang gagawin mo. Hanggang sa magpasikot-sikot ka nalang at walang mapuntahan.
Ex: Monthly income goal or daily income goal.
2. Know Your WHY - Ito ang mag-momotivate at magbibigay sayo ng inspirasyon para makuha mo ang iyong goal. Dahil sa business madaming mga challenges ang pagdadaanan. Kapag hindi mo alam ang "Reason WHY" mo kung bakit ka nag-nenegosyo, hinding hindi mo makukuha yung goal na gusto mo.
Ex: Write down your deep reson why. Bakit mo gustong magnegosyo. Bakit mo gustong ma-hit yung 1 million income per month mo. Etc..
3. Know WHO Wants Your Business - Dapat sa una palang ay malaman mona agad kung sino lang ba yung mga tamang tao para sa business mo. Target market ang tawag dun. Hindi kasi lahat ng tao ay sasali at hindi lahat magiging interesado sa business mo.
Kapag nalaman mona kung sino lang ba yung mga tamang tao para sa business mo, dun ka lang mag-focus sa kanila. Be specific.
Ex: Opportunity buyers or yung mga taong may interest na sa kung ano man ang pino-promote mo. Yung tao na bumili na ng product na gusto nila.
4. Know WHAT You Need To Achieve Your Goal - You need prospect or people to see your offer. Sila yung mga tao na pagpapakitaan mo ng business mo. Kung alam mo na kailangan mo ng website para mas lalong tumaas yung value mo sa kanila, then gawin mo yun.
5. Understand The PROCESS - Alamin mo ng mabuti kung paano mo gagawin yung process ng business mo. Kumbaga may sistema kang sinusundan. Para yung mga magiging partners mo ay hindi narin mahihirapan kung anu-ano ang mga unang gagawin nila para magsimula dahil in the first place ay may sistema silang sinusunod at step by step process how to do your business.
Ex: Scripts to close people.
Prospect: Pano ba mag-join?
You: Hi (NAME), thanks for inquiring. Napanood mo ba ng buo yung video dito: (YOURWEBSITE)
Kung napanood mona, ano yung pinakanagustuhan mo dun sa video na napanood mo?
Magkano yung gusto mong kitain kada buwan sa ganitong klase ng online business?
Ilang oras kada araw ang kaya mong ilaan para gawin ang business na'to?
Ok let say, ginagawa mo na ang business na'to at kumikita kana dito sa business na'to, ano yung magbabago at pwedeng makatulong nito sayo at sa family mo?
Ok few more questions, gaano ka kaseryoso na kumita sa business na'to para matupad ang lahat ng yan?
Kung itututro ko sayo kung pano magagawa na kumita ng everymonth.
Willing ka bang makinig para matuto at willing kabang gawin yung mga kailangang gawin?
Ok good, i think ready ka ng magsimula right?
Ito yung susunod na kailangan mong gawin.
1. Login ka sa loob ng ginawa mong account. Kung sakaling wala ka pang account, gawa ka muna dito: (YOURREGISTRATIONPAGE)
2. Click Join now para makita mo yung process how to join.
3. Sundan mo lang yung payment instruction para makapagsimula ka na agad.
Kung sakaling na-process mo na yung payment, update moko agad para ma-guide na kita sa next step mo.
Congrats sa team and welcome in advance.
6. Understand Your Business Model - Kailangan naiintindihan mo kung anong klaseng business model ang ginagawa mo.
Ex: Sponsoring people and selling products.
Kapag na-embrace mona yung 2 things na yan. Magiging madali nalang para sayo na gawin ang business mo.
Kailangan ang mga taong kinakausap mo lang ay yung mga taong interesado lang sa ginagawa mo. Walang pilitan kumbaga.
Huwag kang matatakot sa sponsoring at selling. Dahil ang dalawang yan ang pinaka-importanteng ginagawa para ka kumita. Kung naniniwala ka na yung product mo ay makakatulong at magiging spousyon sa problema ng prospect mo, wag kang magdadalawang isip ng recruit-in at bentahan siya.
7. Take Action While Learning - Kapag may isang bagay kang natutunan, apply mo agad. Huwag mona hintayin na malaman mo lahat dahil ang mangyayari ay hindi ka makakapagsimula. Kung ano yung current na nalalaman mo sa ngayon, gumawa ka agad ng massive action para nakakausad kana agad.
Hindi mo kailangang malaman lahat para magkaroon ka ng resulta.
Ang kailangan mo lang ay gumawa ng action.
Sabi nga..
You don't need to become great to start.
You just need to start to become great.
You just need to start to become great.
8. Build On Your Success - Sa business na ginagawa mo, kailangan mo talaga makapag-produce ng result. Dahil importante yun para makuha mo yung next bigger result mo. Ipakita mo sa tao kung pano mo nakuha yung unang resulta mo, para makuha mo ulit yung pangalawang resulta mo.
Ex: Kumita ka ng commission, gamitin mo yun to promote at gamitin mong proof para makapag-attract kapa ng mas maraming prospect para sa next income goal mo.
Feeling mo ba hindi na nag-wo-work ang motivations para sayo?.. Why Don't You Think To Learn Specific HOW TO's Of Marketing?
Bakit hindi ka mag-Research ng mga bago at effective MLM Strategies na makakatulong sayo para maabot mo na ang time At financial freedom na pinapangarap mo?
✔ Kung Ready ka nang i-educate ang sarili mo.
✔ Kung Ready ka nang matuto ng mga bago at effective na strategy.
✔ Kung Ready ka nang gumamit nang powerful na system.
✔ Kung Ready ka nang masolusyunan ang mga problema mo sa business mo.
✔ At kung ayaw mo nang mahirapan pa gamit ang mga lumang tactics.
Then all you need to do is Take Action!
The problem is that most people never take action. When they don't take action, they won't get any results. I care about your success and that is why I believe in being true and absolutely transparent with you. I hope our paths cross again. God bless you partner!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento