Pansinin mo ang mga alimango at talangka, kahit bukas na bukas ang basket, halos walang nakakalabas at nakakatakas dahil mismong kapwa nila alimango at talangka ang humihila sa kanila pababa.
Gaya nila, maraming mga Pinoy ito ang problema - CRAB MENTALITY.
"Kung di ako aangat e di hilahin kita pababa"
o kaya naman,
"Para umangat ako, hihilahin kita pababa"
As an entrepreneur, marami talaga na sadly ganyan ang gagawin sa yo. Pero tatandaan mo, WAG NA WAG kang bababa sa ganyang level ng thinking. Hindi ka alimango o talangka!
Hindi mo kelangang manghila ng iba pababa at manira ng iba para umangat ka. Wag na wag mo ding gagawin na dahil sa inggit, hilahin mo yung ibang umaangat.
Para umangat ka kelangan mong matutunan na ang tanging paraan para manatili ka sa taas at maabot mo ang tagumpay ay tulungan ang iba na nasa baba na maka-angat. Ngayon, kung siraan ka man ng iba at paratangan ka man ng iba kahit tama naman ginagawa mo at wala kang inaapakan na tao, hayaan mo lang. Your greatest revenge is success😎
Imbes na maghilahan, ibalik natin ang bayanihan.
The problem is that most people never take action. When they don't take action, they won't get any results. I care about your success and that is why I believe in being true and absolutely transparent with you. I hope our paths cross again. God Bless you Partner!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento