So may gusto kang i-invite sa opis nyo para makapanood ng company business presentation. Kaya lang may problema, busy si prospect at walang time para pumunta ng opis nyo..di nga? 🙂
Anong bang dapat mong gawin?..
Wala akong time, busy ako, next time na pag bakante oras ko o kung ano pang alibay na karaniwang palusot ng mga hindi interesadong prospect..
Narinig muna siguro tong kasabihan “ Kung gusto maraming paraan, kung ayaw makaka-imbento ng dahilan”. (Yes, naniniwala ako sa kasabihan na yan)..
Napaka importante na matutunan mong ma sort out o masala ng mabuti yung prospect mo kung ayaw mong makatanggap ng ganitong klaseng mga palusot.
Ngayon madalang nalang akong makatanggap ng ganitong klaseng palusot dahil sinisigurado ko na interesado at willing talagang makinig yung prospect ko.
Hindi ako mag aaksaya ng oras na dalhin sila sa opis kung sa una pa lang ay hindi naman sila interesado sa product o business opportunity ko. Ganito na yung mindset ko ngayon.
Posible din na interesado talaga yung prospect mo kaso lang sobrang busy sa trabaho (OT sa work) kaya hindi naka punta sa ortigas o kung saaan man yung opis nyo.
May isang strategy kung paano mo masolusyonan yung sitwasyon nila. Itong strategy na ituturo ko sayo ay gagawin mo kapag napansin mo interesado talaga yung prospect at gusto n’yang mapanood yung business presentation n’yo.
Ito gagawin mo..mag download ka ng company business presentation nyo yung malinaw na kopya at klaro yung boses.
Kung wala ka pang kopya, hingi ka dun sa upline or leader ng team nyo, I’m sure meron nun sila. Pwede mong i-save sa usb flash drive o i-burn sa CD. Ito yung ipapanood mo sa interesado mong prospect.
Karamihan ng prospect ito yung sasabihin sayo,
“ Bigay mo nalang sa akin yung CD or usb flash drive papanoorin ko nalang pag may time na ako”.
“ Bigay mo nalang sa akin yung link ng website, papanoorin ko nalang pag may time na ako.”
Karamihan ng mga networker, sa sobrang excited ay binibigay kaagad nila yung link ng website o yung CD sa prospect nila sabay sabi “text mo nalang ako pag sasali kana ah”…Toink.
Remember, busy yung prospect mo, hindi ka sigurado kung kelan mapapanood ng prospect yung binigay mong CD o link ng website. Posibleng mawala sa isip nila na may papanoorin pala s’yang video.
Guess what?. Ikaw naman yung mapapagod kaka-follow up sa kanya.
Ikaw na yung maghahabol sa kanya, mawawala na sayo yung control. In recruiting & sponsoring, importante na ikaw yung may control sa prospect mo.
Pag ikaw kasi yung may control, mas madali mo siyang madala sa next step na gusto mo. Mas madali mo siyang ma close sa business mo. Ito yung tinatawag na posture, mas inexplain ko dito sa MLM Recruiting Blueprint yung concept nato.
Imbisna ibigay mo agad yung alas mo (video presentation).
Tanungin mo muna yung prospect mo kung kelan ba nila mapapanood yung video presentation?
Kaylan ba sila may bakanteng oras para mapanood yung binigay mong link?
Wag mong ibigay yung alas mo hangga’t hindi ka sigurado na mapapanood nila yung video presentation.
Kung CD or usb flash drive yung gamit mo, ibigay mo at panoorin nyo ng sabay. Mas maganda kung ganun, dahil malamang habang pinapanood ng prospect mo yung video presentation, may natitirang tanong o concern talaga yan. Mas madali mo din silang ma close dahil sariwa pa isip nila yung napanood nila.
Kung ginagamit mo naman yung internet sa business mo at website link yung binigay mo sa prospect.
Siguraduhin mo na may kaharap na siyang computer bago mo ibigay yung link, i-guide mo lang yung prospect mo kung anong pipindutin dun sa website.
The problem is that most people never take action. When they don't take action, they won't get any results. I care about your success and that is why I believe in being true and absolutely transparent with you. I hope our paths cross again. God bless you partner!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento