Maraming nag tatanong sa akin, ano daw ba gagawin nila para makapag umpisa at maging successful sila online business. Kaya naisipan kong gumawa ng simpleng guide. Sana makatulong ito para sa mga nagbabalak na mag start sa internet/online marketing. At sa mga nasa internet marketing na pero di pa kumikita. I am pointing out here ang lima na sa palagay ko ay pinaka critical to start and become successful in online marketing. Maaaring may mga iba pang tips ang mga kapwa ko online marketers, kaya pwede rin kayong magtanong sa kanila.
1. Start – Gusto mong pumasok at magtagumpay sa internet marketing? Ano pa hinihintay mo pasko? Paano ka makaka-pag umpisa at mag tatagumpay kung ayaw mo namang magsimula.
Marami sa mga nagbabalak pumasok sa internet marketing. Ang hindi maka pag umpisa kasi ang dami nilang “buts” sa buhay nila. Tanungin mo lahat na nasa internet marketer at 80 %- 90% sa kanila ang mag sasabing wala silang idea kung ano ba ang internet marketing nung bago lang sila dito.
Yung iba kasi dyan, sasabihin nila gusto ko rin mag online marketing, paano ba yan? Kapag sinabi mo na ang gagawin nila, sasabihin naman paano ako mag i start dyan? kapag sinabi mo ano gagawin nila, sasabihin naman paano ba yun, pag sinabi mo kung paano yun, sasabihin naman wala pa akong alam dyan.
Walang katapusang dahilan, gusto nilang alamin lahat bago sila mag umpisa. Which is mali, kung gusto mong mag online, start kana agad today wag mo ng hintaying bukas. Kapag naka pag start kana, unti unti ng masasagot yung mga ibang tanong at pagdududa mo. Sa online marketing kasi kailangan mong subukan para malalaman mo kung ano ang tama at mali.
2. Goal – Kung dimo alam kung saan ka pupunta, paano mo malalaman kung ano ang tamang direction? Sa buhay natin, kahit ano pa ang gusto nating tahakin o gawin. Mahalagang alam natin kung ano ang gusto nating marating o makamit. Ang mga mountaineer ang ultimate goal nila lagi is marating ang summit ng bundok na inaakyat nila. Ang mga runner ang ultimate goal nila is makarting sa finish line. Ang mga studyante gustong maka graduate.
Same principle is applied in online marketing, ano ba ang goal mo bakit gusto mong pumasok sa internet marketing. Kapag natutunan mong mag set ng goal, ang tagumpay ay madali nalang abutin, kasi may direction kana, alam mo na kung saan ka pupunta, kailangan mo nalang gumawa ng paraan para marating mo ito.
Ang mga mountaineer, para makarating sila sa summit ng bundok na gusto nilang akyatin, kailangan nilang humakbang patungo sa direction ng summit, gaano man ito kahirap alam nila na bawat hakbang nila ay palapit sila ng palapit dito.
Ganun din sa online marketing, gusto mong kumita ng 5,000 a day, then work everyday to reach that goal. Along the way maraming mga distraction kang ma-eencounter, kaya need mong mag proceed sa 3rd step.
3. Focus – May mga kakilala ako, some of them are friends. They start online marketing almost mga kasabayan ko pa nga yung iba. Lahat sila nag sasabi kumita lang 25,000 a month masaya na ako. Hindi ko na kailangan mag abroad kasi talo ko na ang mga nasa abroad. So what they did is start a program that they heard from friends or nabasa nila sa internet na proven to work. Then after a a few weeks or months may nabasa or narinig silang bago, ayon si juan gusto rin subukan kasi sabi ni expert na Pedro dun daw sya yumaman. Si juan kinalimutan yung unang ginagawa kasi gusto nyang yumaman gaya ni Pedro, after few weeks or months, narin7ig nya ulit na si Pedro kumikita na ng 25,000 a month at ang ginagawa ay magbenta ng tuko.
Itong si Juan nainggit, gusto rin nyang mag benta ng tuko gaya ni Pedro, kinalimutan na yung diskarteng ginawa ni Pedro para yumaman. After a year, naka sampong program na sya pero wala parin syang kita, at the end of the day, he concluded that making fortune online is all lies. Kung ipinag patuloy lang sana yung unang inumpisahan nya, malamang lampas na sa 25,000 a month ang kinikita nya after a year. Ito ang madals na pagkaka mali ng mga bago at datihan na sa internet marketing. Gusto nila subukan lahat kahit dipa nila na aabot yung nauna nilang goal.
Walang mountaineer na kayang umakyat ng dalawang bundok at the same time. Kailangan nya munang maka summit sa isa, bago sya baba at para akyatin naman ang susunod na bundok. Kung gusto mong kumita sa online marketing, kailangan mag focus ka. Kahit ano pa naririnig or nababasa mo, isulat mo lang muna ang mga yun, para kapag na reach mo na yung first goal mo, isunod mo naman ang mga ito.
4 . Don’t give up – There is no such easy money, maniwala ka. Naiingit ka sa mga holdaper? Dimo ba alam na buhay nila ang isinusugal nila para makakuha sila ng ganun pera. Si Pacman, kalusugan at buhay nya ang itinataya nya. Lotto kamo? Kung madali lang ang pera sa lotto di lahat sana tayo mayayaman na ngayon.
Maraming nag sasabi, madali lang kumita ng pera sa internet, hwag kang maniwala sinungaling ang mga yun. Bago sila kumita ng pera sa internet, kinailangan nilang umupo sa harap ng computer nila ng halos 16 hours a day o di kaya kinailangan nilang mambula ng ibang tao para pagkakitaan nila.
Siguro nga compare to other daily job, mas madaling kumita sa internet, compare sa mga OFW mas madaling kumita ng pera ang mga online marketers. Compare sa mga bank executive siguro nga mas madaling kumita ng pera ang mga online marketers. Pero di ibig sabihin pinupulot lang nila ito online. Pinag tratrabahuan din nila ito, pinag pupuyatan, at pinag iisipan.
Marami kasi sa mga baguhan kapag dina kumita after 2 months umaayaw na sila. Kasi ang mind set nila bago sila pumasok sa online marketing is madali lang kumita ng pera sa internet.
Kung gusto mong maging successful sa internet marketing, hwag kang susuko. Kahit gaano pa kahirap abutin ang iyong goal basta mag focus ka lang at wag kang aayaw magugulat ka nalang isang araw naabot mo na ito.
5. Become Expert – If you want to become successful in any field you need to become expert on that particular field, there is no exemption. Gusto mong magtagumpay sa internet marketing? Then pag-aralan mo ito, maglaan ka ng maraming oras para pag – aralan ito. Wag lang dumepende kung ano ang sinasabi ng iba.
In my case, hindi ako natatakot mag expirement, kung ano ang nababasa ko gusto kong subukan kung totoo ba ito o hindi. Kung may naisip ako na sa palagay ko ay makakatulong para maabot ko ang aking mga goals sinusubukan ko. If I fail, then at least sinubukan ko. From that failure I will see to it na may natutunan ako. Wag kang matakot na subukan ang mga ideas mo, dahil ito ang maghahatid sayo sa tagumpay.
6. Leverage – Don’t work hard, work smart. Palagi ko itong sinasabi everytime na nai-invite akong mag speak sa mga seminars ng mga online marketers. Kung nasubukan mo ng sumali sa mga Multi-level marketing I am sure you are familiar with this.
Sabi ng boss ko dati, kung gusto mong ma doble ang production mo, you need to duplicate your self. Hindi ko yun makalimutan, dahil sa salitang ito, ito ako ngayon kung saan ako naroroon. At first diko maintindihan kung ano ang ibig nyang sabihin. Until he told me para ma duplicate ko ang sarili ko I need to teach someone else to do what I am doing.
Ito ang ginamit kong principle nung nasa internet marketing na ako. I only have 24 hours to work a day, at yun lang ang pude kong kitain sa bawat araw. Para madoble ang kinikita ko, ang ginawa ko is to train someone na gawin kung ano ang ginagawa ko para kumita ng ganun ammount of money.
Now dalawa na kami na gumagawa sa dating ako lang ang gumagawa, syempre dahil dalawa na kami mas malaki na ang puedeng kitain. Gusto ko pang madag-dagan ang earnings ko… so ang gagawin ko lang is mag train ako ulit ng tao para gawin kung ano ginagawa ko ngayon.
Halimbawa, may isang kang site na kumikita ngayon ng 5,000 a month, for sure alam mo na kung ano ang ginawa mo para kumita kang 5,000 a month from that site. Para kumita ka ng 10,000 a month kailangan mo pa ulit gumawa ng isang site applying all the process you did sa una mong site para kumita ng 5,000 a month. Kung gusto mo pang another 5,000 ulit, then do the same process.
Ayan ang haba na pala.. sana para sa mga nag tatanong kung paano ba kayo makaka pag start at maging successful online.. sana itong post na ito ay makatulong sa inyo.
Click here and join us in these World Class Learning Experience!
Click here If you have any questions feel free to message me any time on facebook.
The problem is that most people never take action. When they don't take action, they won't get any results. I care about your success and that is why I believe in being true and absolutely transparent with you. I hope our paths cross again. God bless you partner!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento