MGA PAHINA

Lunes, Disyembre 4, 2017

UNDERSTANDING WHY PEOPLE BUY OR JOIN


Maraming rason kung bakit bibili o sasali yung prospect sayo, pero isang bagay yung dapat mong tandaan. People will buy from those they like and trust.
Period.

Kung gusto mong mag build ng organization ng mabilis at makapag benta. Kaylangan mong matutunan kung paano ka magustuhan at mapagkatiwalan ng prospect mo. Dahil yung prospect mo bibili o sasali lang yan sayo kung may na gained na sya na tiwala mula sayo.

Sino ba kasi yung maglalabas ng pera sa taong hindi nya pa gaanong kilala, diba?

Malamang ganun ka din, hindi ka basta-basta maglalabas ng pera kung hindi mo pa kilala yung taong kausap mo. Dapat yung unang goal mo pag may
kakausapin ka na prospect ay kung paano mo magawang magustuhan at mapagkatiwalaan ka.

Wag kang mag alala dahil bibigyan kita ng tips kung paano mo magagawa yun.

May tatlong (3) steps na kaylangan mo para magawa mong magtiwala sa’yo
ang prospect na kinakausap mo ng mas mabilis at mas madali.

STEP 1: Kaylangan mong maunawaang maige kung ano ang hinahanap
nila.

Kaylangan mong alamin yung needs, wants, desires at problems ng prospect mo. Sa madaling salita, kaylangan mo silang maunawaan maige.

Isa sa maling ginagawa ng maraming mga networkers ay hindi muna nila inaalam yung mga kaylangan ng kanilang prospect, banat kaagad sila ng banat sa kaka-explain ng kanilang opportunity.

Ang nagiging resulta, hindi nila masabi yung kaylangan marinig ng kanilang prospect para makagawa ng aksyon at sumali.

Para mas maging effective ka sa pag-close ng mga prospect mo, kaylangan mong maiposisyon ang products at opportunity mo as a solution sa mga problema at pangangaylangan nila.

Magagawa mo yun kung malalaman mo kung ano yung
hinahanap at kaylangan nila.

STEP 2: Kaylangan mong makilala kung sino sila. Kaylangan mong ma-
identify kung anong tipo ng personality na meron ang prospect mo.
Kaylangan mong alamin kung sino ba talaga sila, anong trabaho nila, hobby nila, ano ang kanilang motivation, at kung ano yung reason why nila.

Kapag alam mo ang mga ‘to, mas madali kang makaka-relate sa prospect mo at sa mga bagay-bagay sa buhay nila.

This is commonly called in our industry as “building rapport with prospects”.

STEP 3: Kaylangan mong malaman kung ano yung EKSAKTONG sasabihin
mo sa kanila.

Kapag nagawa mo ng makilala ang prospect na kinakausap mo at kapag nagsimula ka ng magkaron ng idea kung ano yung tumatakbo sa isipan nila, mas makakapag communicate ka sa kanila ng mas epektibo.

Kapag alam mo na kung ano yung tumatakbo sa isipan ng prospect mo, madali mo ng maipepresenta sa kanila yung benefits ng opportunity mo na tiyak na ikakatuwa nila.

Malalaman mo rin kung ano yung mga tanong na dapat mong itanong sa kanila.

Malalaman mo kung paano mo iha-handle yung mga objections nila.

Madali mo ring malalaman kung ano yung mga eksaktong sasabihin mo para magawa mo s’yang mag-take ng action para sumali sa business mo at higit sa lahat malalaman mo kung paano sila iko-close sa business.

What Makes People Like You
Para mas simple, magsisimula kang magustuhan ng ibang tao kung magawa mong komportable sila sayo.
May phrase nga akong nabasa sa librong “How To Win Friends And Influence People” ang sabi dun.

“ Be genuinely interested, not interesting”

The more interest you show to other person, and the more genuine it is, they more going to like you and feel good about you.

Gawin natin halimbawa yung pangliligaw. Diba yung lalaki kapag nanliligaw pa lang ay inaalam nya muna yung gusto ng nililigawan nyang babae. Nagbibigay ng flowers, chocolate or something na valuable para sa babae. Kung baga, nagpapakita muna yung lalaki ng interest sa babae. Nakikibagay muna yung lalaki sa side ng babae kasi nga nanliligaw. Dahil ginawa ng lalaki yung pangliligaw, posible din na magustuhan sya ng nililigawan nya.

Ganun din sa business mo.. imbesna salita ka ng salita sa opportunity mo, ang best na una mong gawin ay maging interesado sa prospect mo.

Ituon mo muna yung attention mo kung sino ba sila, ano ba yung dream nila, ano ba yung gusto nila, etc.

Ask questions, be interested, listen to them. Because people love talking themselves if you show interest.

What Makes People Trust You
Kung nagsisimula ka ng magustuhan ng prospect mo, the trust will be follow. Yung rason kung bakit mas gusto bumuli ng tao sa original brand na mas mahal kaysa fake brand na mura lang, yun ay dahil sa may tiwala na yung tao
(buyers) sa brand name na yun.

Ako mismo, I love buying original things than fake. Dahil alam ko na magtatagal kapag original o branded.

Building Your Emotional Bank
Sa negosyo mo, gusto kung i-imagine mo na parang may emotional bank account ka. Pakunti-kunti may nilalagay kang value o amount sa banko mo.

Yung relasyon mo sa ibang tao ay parang kagaya ng bank account. Hindi ka makapag withdraw kung wala pang laman yung bank account mo, hindi ka
makapag withdraw sa isang relasyon kung wala kana man ini-invest.

Kung tinatawagan o kinukumusta mo lang yung friends at mga kakilala mo
dahil may gusto kang ibenta sa kanila, dahil gusto mo silang mapasali sa business opportunity mo. I’m telling you mahihirapan ka sa business mo.

Sa network marketing, kaylangan regular kang makipag communicate sa mga kakilala mo, hindi dahil gusto mo silang bentahan. Kundi para makapag build ka ng strong relationship sa kanila.

Kaylangan mong regular na makapag deposit sa emotional bank account mo sa mga tao kakilala mo.
Ito yung mga ilang example kung paano mo magagawa ito.

 Tawagan o makipag kita ka sa mga matagal munang kaibigan na hindi muna nakakausap. Be the initiator. Makipag communicate ka sa kanila with
no hidden agenda.

 Send a text message greetings sa mga kaibigan mo,kumustahin mo sila. Kung espesyal na araw nila kagaya kung birthday nila, wedding anniversary, etc.

 Invite them to lunch out or coffee, hindi para i-pitch mo sa kanila yung business opportunity mo kundi para mag grow yung relationship nyo.

 Reach out facebook para makapag communicate sa ibang hindi mo pa kilala.

Again, yung reason kung bakit gagawin mo to ay para ma maintain at ma improve yung quality ng relationships sa mga kakilala mo. The more you stay
connected with people, the better you business will be.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento