MGA PAHINA

Martes, Disyembre 19, 2017

TIPS TO ESCAPE YOUR JOB


Nung nasa corporate world pa ako, 6 years ago, naisip ko:

“Ano kaya ang buhay kung hindi ko kailangang magtrabaho?”

“Paano kaya kung magagawa kong gawin ang gusto ko at may oras pa ako para sa pamilya?”

“Ang sarap siguro nun”

Oo, noon, pangarap lang iyon.

Daydream, ika nga.

Pero sa kalaunan, natupad ko ang pangarap na iyon.

Paano?

Simple lang. Na-realized ko na ang mind ay sobrang POWERFUL.

Kung nagagawa mo itong ma-imagine, kaya itong mangyari sa buhay mo.

You can make things happen with your mind.

Ang totoo, lahat ng nagyari sa iyo ay nagsimula lang sa simpleng thought.

Na binigyang buhay mo ng iyong atensyon at emosyon.

Kaya nakamit mo ang lahat ng meron ka sa buhay mo.

Maaring asawa mo. 
Ang propesyon mo. 
Ang trabaho mo. 
Ang iyong kalusugan.

Lahat.

Pero nagyari ito nang hindi mo namalayan na lahat ay nagsimula sa pag-iisip mo.

Naalala ko noon ang isang buhay na sa bahay lang ako nagta-trabaho.

Para sa sarili ko, para sa pamilya ko.

-Walang masungit na boss. Walang commute. 
Hindi ko kailangang gumising ng maaga. 
Wala ng long and boring meetings sa work.

At pagkaraan nga ng ilang taon, sa bahay na lang ako nagne-negosyo.

Ang saya, di ba?

Yun lang oras na natitipid ko sa byahe papunta noon sa trabaho, ay halos 2 hours a day na. 

That’s an extra 10 hours a week for me. Na maari kong magamit sa mga bagay na mas mahalaga sa buhay ko.

Habang nagmamadali ang iba na huwag ma-late sa trabaho at masermunan ng boss, nasa bahay lang ako, nagkakape.

Datiy, tila imposible ang work from home. Ngunit ngayon, ito na ang trend.

Pag-isipan mo mabuti. Baka panahon na para baguhin ang mga thoughts mo.

Ito pa lang post na binabasa mo ay isang nang patunay ng power ng technology. Kaya nating makipag-communicate sa mga tao saan man sa mundo na may internet.

Sa pagnenegosyo, hindi mo kailangang mag-resign agad sa trabaho kung hindi ka pa kumportable.

Nung nagsisimula din ako, full-time employee ako nang mahabang panahon.

Nung kaya ng kitain ng business ko ang sahod ko, nun lang ako nag-resign at nag full-time sa negosyo.

Tamang diskarte. 
Tamang timing.





The problem is that most people never take action. When they don't take action, they won't get any results. I care about your success and that is why I believe in being true and absolutely transparent with you. I hope our paths cross again. God Bless you Partner!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento