MGA PAHINA

Lunes, Disyembre 18, 2017

MALAS SA NEGOSYO? WALANG YUMAYAMAN SA PAGIGING EMPLEYADO


Pero karamihan sa mga Pilipino ay pilit naghahanap ng trabaho o kuntento na sa pagtatrabaho para sa ibang tao.
Siguro, hindi lahat gustong yumaman. Gusto lang nila ng simpleng buhay at wala namang masama doon.

Ngunit, nagbabago ang halaga ng piso. Yung dating nabibili mo lang ng sampung piso noon, ngayon ay kinse pesos na.

At bawat taon, bumababa ang halaga ng piso. Ang tawag dito ay inflation.
At kung empleyado ka, hindi nakakasabay ang sweldo mo.

Pilitin mo mang magkaroon ng konting ipon, pero hindi talaga kasya.
Iyan ang pinakamalaking problema ng mga taong nabubuhay sa kinsenas-katapusan na sweldo.

Kaya ang ginagawa ng iba ay kumukuha ng pangalawa, pangatlo o higit pang trabaho; o kaya nama’y rumaraket kung saan-saan. Yung tipong kahit di na matulog kung pwede lang.

Pero bakit ganun? Wala namang pagbabago.

Lalo lang lumalaki ang utang mo. 

Dumadami ang bayarin.

 Tumataas ang bilihin.

Sahod, bayad ng bills at bayad ng utang. Kapos pa din sa pera.

Pero, sinubukan mo naman mag-negosyo. 

Kaya lang, lahat na lang ng sinalihan mo ay hindi ka kumita.

Kung hindi ka lugi, nakasamaan mo pa ng loob ang kasosyo mo sa negosyo. 

Nawalan ka na ng negosyo, nawalan ka pa ng kaibigan.

Feel mo tuloy, malas ka sa negosyo.
Ngunit ano nga ba ang tunay na balakid?

Hindi mo kasi inunang palaguin ang iyong dunong at talino.

Mas gusto mo pang bumili ng bagong gadget pamporma, kesa mag-invest sa mga maiinam na libro o seminar na magtuturo kung paano ang tamang paghawak at pagpapalago ng pera.

Pero sa totoo, mas magastos maging mangmang.

Ngayon.

Mananatili ka bang talunan sa trabaho at buhay? O sa wakas, pag-aaralan mo na ang pagnenegosyo at pagyaman?
Sa huli, buhay mo, desisyon mo.

Pakatandaan mo lang:
Hindi ka malas. 
Walang ganun. 

Kailangan mo lang ng tamang edukasyon sa negosyong nais mong pasukin. Hanap ka ng mentor. 

Yung taong nagawa at nagtagumpay na sa larangang iyon.


Baka isa ka sa mga Pinoy na swak sa sariling negosyong pang-internet.




The problem is that most people never take action. When they don't take action, they won't get any results. I care about your success and that is why I believe in being true and absolutely transparent with you. I hope our paths cross again. God Bless you Partner!





1 komento:

  1. Ang pangalan ko ay Gng. Amalia Amangkurat, isang biyuda at nawala ko ang asawa ko 4 taon na ang nakararaan at nagmamalasakit ako sa mga bata, ngayon ay gumawa ako ng pera upang magbayad ng upa at utang ngunit wala akong pera upang magbayad, kamakailan lamang, nakakita ako ng isang patotoo online tungkol sa isang kaibigan na nakuha ng isang hindi secure na utang mula sa Rika ina. Gumawa ako ng mga katanungan at ako ay sinabihan na siya ay isang matapat na ina, kaya nag-aplay ako para sa isang utang na $ 50 milyon kaya pagkatapos ng proseso ng pautang, ang aking pautang ay inilipat sa aking account sa bangko at ngayon, nagkaroon ako ng isang tindahan na pinapatakbo ko ang aking negosyo at ngayon ay nabayaran ko ang aking utang at lahat ng aking mga bayarin, lahat salamat sa Rika Anderson Loan Company ay isang mahusay at tapat na tagapagpahiram kaya pinangakuan kong magpatotoo at ibahagi ang aking mabuting balita din. makipag-ugnay sa kanyang email rikaandersonloancompany@gmail.com,
    Whatsapp: +19147057484 makakuha ng impormasyon tungkol sa kung paano makakuha ng utang. Kung mayroon kang mga pagdududa o takot, maaari kang makipag-ugnay sa akin palagi sa pamamagitan ng amaliaamangkurat@gmail.com

    TumugonBurahin