MGA PAHINA
▼
Lunes, Disyembre 11, 2017
LET BELIEFS BE YOUR GUIDE
Isang pundasyon na dapat aware ka ay yung belief mo, “ You’re BELIEF”. Mahihirapan kang maging successful sa business nato kung sarili mo mismo ay hindi naniniwala sayo na kaya mo.
Maraming mga negative na tao sa paligid natin, yung ibang pamilya mo, kakilala at kaibigan mo. Masakit isipin na sila pa mismo ay hindi nanininwala sa opportunity mo, posibleng ma reject ka nila.
At subrang sakit nun kung yung mahal mo sa buhay ay sila pa mismo yung hindi
naniniwala sayo.
Kaya kaylangan may strong belief ka sa apat nato;
1. Profession of Network Marketing
2. Your Company and Opportunity
3. Your Products
4. You
Tandaan mo lage itong apat nato at dapat mag sink in sa utak mo.
People do not follow or do business with individuals that lack confidence or are unclear in the direction they are heading.
Yung paniniwala mo sa profession nato, sa company, sa products o services at sa sarili mo ay ang magiging guide mo patungo sa success at accomplishment mo.
Kung bago kapa lang sa negosyo mo, malamang wala ka pang strong belief sa apat na yun. Wag kang mag alala dahil bibigyan pa kita ng tips para tumibay pa at magsimula kang magkaroon ng belief.
5 Ways To Build Belief
1. Commit Yourself To Success: ➡️ Belief grow as you do. Yung best advice na maibibigay ko sayo ay makipag halobilo ka sa mga positive, successful at very encouraging na tao. Kung may events, team meeting o mastermind group kayong gaganapin, importante na pumunta ka.
Malamang kasi puros positive at encouraging yung mga tao na nan dun, yung mangyayari mag
uumpisa kang mahawa sa kanila. Mag-uumpisa kang magkaroon ng tiwala sa ginagawa mo dahil makikita mo yung sarili mo sa kanila.
Iwasan mo yung mga negative at unsupportive na mga tao, wala silang magangdang maidudulot sayo. Mas makipag halobilo ka dun sa mga
positive, motivated na tao, dun mas mag grow yung beliefs mo.
2. Actively Build Your Knowledge And Take Action: ➡️ Malamang narining muna tong kasabihan nato “ Knowledge is POWER”. Hindi ba’t mas maganda na
sabayan mo ng action. Walang silbi yung nalalaman mo kung hindi muna i-aaply, kung hindi ka agad ma ti-take ng massive action.
Dun ka kasi magkakaroon ng results kung may ginagawa ka, kaya dapat kung may bagong kang matutunan sabayan mo din ng action.
Yung ituturo ko sayo sa libro nato, walang silbi lahat ng malalaman mo dito kung hindi mo a-aksyonan. Kaya importante na habang natutu ka sa
industry nato, sabayan mo din ng action.
3. Create and Collect Results:⬇️ Mas lalong tataas yung kumpyansa mo kung may nakikitang kang resulta. Kung bago ka pa lang at walang resulta, ang gawin mo ay mangolekta muna ng resulta ng ibang tao. Hindi literal na
kolektahin mo yung kinikita nila.
Kolektahin mo yung stories kagaya kung magkano na yung kinita nila, ilang taon na sila sa negosyo, etc. Dapat may kilala ka sa company nyo na may
results na, pwede yung upline mo, ka crosslines. Pwede mo sila i-model, sundan mo yung mga ginawang steps nila kung paano sila nagkaresulta.
Mas lalong tataas yung beliefs mo kung may sinusundan ka, masasabi mo sa sarili mo kaya ko din to.
4. Take Action Daily:➡️ Napaka importante nito, You’re consistent daily action
and efforts in building your business directly contribute to growing your personal confidence. Hindi mo kaylangan maging magaling sa umpisa, lalo hindi mo kaylangan malaman lahat bago gumawa ng action.
Everytime na gumagawa ka ng action, mas lalong matutu ka, malalaman mo yung hindi
nag work at yung nag work sa business mo. At syempre tuloy mo kung ano yung nag work para sayo.
Sa kahit anong business, marami kang dapat matutunan at gawin. Unti-unti mo yun malalaman by doing immediate daily action and your belief will
grow as a results of those actions.
5. Practice: ➡️ May kasabihan nga tayo, “ Practice makes perfect” . Kung gusto mong magaling sa pag invite, pag present, pag approach at pag close ng prospect. Kaylangan mong maglaan ng oras sa pag practice. Kaya yung mga
top earner at top recruiter ng company nyo ay magaling sa close ng prospect, naging magaling na speaker, naging magaling sa pag present, yun
ay dahil sa salitang “practice”.
Practicing something can boost your self confidence.Ngayon alam muna kung paano ka makapag build ng solid beliefs sa sarili mo.
Pwede mong sabihin sa akin na alam kona yan, “may nabasa na akong na libro na ganyan o narinig kona sa seminar yan”. Oo posibleng narining o alam muna to, pero hindi mo pwedeng laktawan yung parte na to.
Kagaya ng sinabi ko kanina…Buidling your network marketing business is like building a house. Hindi pwedeng unahin mo muna yung bobong kapag nagtayo ka ng bahay, hindi pwedeng hataw ka lang ng hataw tapos pag na reject suko na agad at sabihin “hindi para sa akin tong network marketing”, babalik nalang ako sa pagiging empleyado.
Ang gusto kung ituro sayo sa chapter nato ay magkaroon ng matibay na pundasyon na hindi natitibag kahit anong unos ang dumating (rejection,frustration ). Yun yung power ng beliefs o paniniwala mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento