MGA PAHINA

Biyernes, Disyembre 15, 2017

IPON TIPS


Medyo masakit to kaya ilag-ilag sa mga matatamaan hahaha. Kaya kung maramdamin ka, ngayon palang itigil mo na ang pagbabasa. Masasaktan ka lang. Dejoke haha wala naman akong intensyong magpatama. Ito ay base lamang sa mga katotohanang alam mong mali pero ginagawa mo pa din kaya wala kang ipon. Realtalk to kya sa reality lang tayo.

Syempre bago tayo mag-ipon, una sa lahat dapat alam mong may natatanggap kang pera. Kung wala ka naman pera dapat madiskarte ka, kasi kung wala ka na ngang pera wala ka pang diskarte para magkapera, eh gumawa ka ng paraan!

Okay intro palang yun, sige magsimula na tayo. Haha.

Isa ka ba sa mga "WALANG IPON KAHIT PISO"?

Madali lang yan..

Ngayon palang simulan mo na mag-ipon ng piso araw-araw. Seryoso! Imposibleng wala kang piso.

Hindi mabubuo ang Milyon kung walang piso..

Try to start in small. Kahit barya, for example start saving 5pesos or 10pesos per day, o kahit pa piso yan, as time goes by mamamalayan mo malaki na pala naipon mo ng hindi ganun kabigat sa bulsa, ang mahalaga may naitabi ka.

Hindi importante yung amount, ang importante may madudukot ka pag nangailangan. At kapag nakasanayan mo ng mag-ipon magiging habit mo na sya, actually nakakaadik nga haha.

Then kung kaya mong mas malaki edi mas okay diba. :D

Alam mo ang pag-iipon hindi binibigla yan. Kumbaga bakit ka maghahangad ng malaking ipon kung alam mong maliit lang ang kinikita mo. Syempre magsisimula tayo sa maliit na halaga. Lahat ng maliit kapag pinagsama-sama magiging malaki yan.

Mga dapat iwasan para makaipon ka:

1.) IWASAN MAGING EMOSYONAL, kasi yang pagiging emotero/emotera mo minsan yan ang dahilan kung bakit di ka nakakaipon. Na-stress lang nag-shopping na, Napagod lang kumain na sa mamahaling fastfood, Na-broken heart lang nag-travel galore na, Masama lang loob sa pamilya nag-liwaliw na dahil gusto daw mapag-isa, Nainip lang nag-kape na ng mamahalin kahit pwede naman mag-3in1. Motto nyan lagi "I deserved this!" Nako nako iwasan mo yan promise after mo gumasta marerealize mo lang na broke ka nanaman at lalo kang mai-stress.

2.) IWASAN MAKIPAG-KUMPITENSYA, isa pa yan sa dahilan kung bakit wala kang ipon. Nakita mo lang may bagong sapatos yung ka-officemate mo biglang nagmadali ka na din bumili ng bago at syempre bibilhin mo yung mas mahal kasi akala mo mas astig ka pag ganun. Di ka papatalo eh, ayaw mong malamangan. Hindi mo naisip parehas lang sapatos yun at parehas lang maluluma yan. Ingitera ka lang talaga.

3.) IWASAN ANG BILI DITO BILI DUN,  Dyan nasisira ang budget mo. Imbis na budget mo nalang sana for food and transpo until next payday yung natitira sa wallet mo kaso napadaan ka sa mall at nakabili ka nanaman ng hindi mo naman talaga kailangan. Pag-uwi mo ng bahay marerealize mo bakit ko nga ba binili to? Oh diba gumastos ka nanaman sa walang kakwenta-kwentang bagay.

4.) IWASAN ANG PAGIGING FEELING RK/ SOCIAL CLIMBER, yan talaga ang dahilan kung bakit broke ka. Kasi bumibili ka ng mga bagay na hindi mo naman talaga afford masabi lang na meron ka kahit pa galing sa utang ang pinangbili mo. Worse ay kung galing pa sa masama. Tsk tsk! Very wrong. Mayabang ka lang talaga. Ngayon baon ka na sa utang.

5.) IWASAN ANG PAGIGING ONE DAY MILLIONARE, Ubos-ubos biyaya, bukas nakanganga. Enjoy now, pulubi later. Kakasahod lang ubos agad. Magtataka ka pa san napunta yung sahod mo. Pag wala ka ng pera mamumrublema ka na, lagi ng mainit ulo mo, feeling deppressed ka na, at kapag down na down ka na sasabihin mo Lord payakap naman. Sus bakit nung nakatanggap ka ng blessings nagpasalamat ka ba? Di mo nga sya naaalala pag masagana ka, tatawagin mo lang sya pag walang wala ka na. Ni hindi mo nga naisisingit ang tithes sa budget mo. Makasarili ka.
Tuso ang pera, mapanlinlang yan.

Lilinlangin ka nyan kung hindi ka marunong kumontrol ng pera, ang pera ang kokontrol sayo.

The best stress reliever is being in contol on your finances.

Kung ipagpapatuloy mo ang mga maling gawain mo, paulit-ulit lang ang mangyayari sayo. Kung hindi ka matuto sa mga kamalian mo, paulit-ulit kang kakapusin bago pa dumating ang susunod na pera mo. Kaya nauso yang "Petsa De Peligro" eh.. Tsk!

Tips para maka-ipon ka talaga:

- Sa alkansya wag na wag mong dudukutin kung hindi naman talaga kailangang-kailangan. Kasi kapag nasimulan mo ng dukutin yan tuloy tuloy na yan. Maniwala ka.

- Kung ibabangko mo mas okay kung passbook kasi pag atm maya't maya mo lang yan mawiwithraw. Mas okay kung bukod ang savings account mo na naka-passbook at ang atm mo para sa daily expenses mo.

- Kung buo ang pera mo wag mong ipapabarya kung may barya ka pa naman. Kasi kapag nabasag na yang buo mong pera tuloy-tuloy na ang gasta nyan. Mamalayan mo nalang ubos na.
Dahil nabasa mo na ang mga tips ko, ngayon meron tayong tinatawag na "FREE WILL". Gawin mo ito kung sa tingin mong makakatulong sayo, pero kung hindi sige ignore mo nalang. :D
Sa lahat ng nabanggit ko isa lang ibig sabihin ng lahat ng yan, "Discipline is the key.."

Ang pera, parang tubig ilog yan na tuloy-tuloy aagos sayo. Pero kapag natuyo ang ilog na yan at di mo napaghandaan, siguradong mapait ang resulta.

Makatotohanang paalala lamang para sa mga tengang gustong makinig. Salamat.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento