MGA PAHINA

Miyerkules, Disyembre 27, 2017

HOW TO BRAND YOURSELF AS A NETWORK MARKETER


Isa sa pinaka importanteng maipapayo ko sayo kung nagsisimula kapa lang sa industry nato bilang isang networker, ay wag mo  lang i-brand o promote yung company o product mo, sa halip i-promote mo yung sarili o personal brand mo.

Tanungin lang kita saglit at sana maging honest ka..

Ano bang unang pumapasok sa isip mo pag sinabing “softdrinks”.

Diba Coca-cola?

Minsan nga pag bumibili tayo sa tindahan sinasabi natin, “ pabili nga po ng pepsi yung coke”.

Kahit na yung gusto natin ay pepsi.

Tama ba?

Pag sinabi natin “toothpaste”, yung unang pumapasok sa isip natin ay colgate.

Yun ay dahil sa marketing brand nila.

Maraming malalaking companies na may malalaking brand sa iba’t –ibang niche o industry. Nagagawa nila yung by promoting and branding their company names and products. Gumagastos sila ng milyon para lang ma  expose o ma advertise yung product nila sa marketplace.

Sa network marketing, pwede mo din i-apply yung marketing principle nato by branding yourself.

Marahil tinatanong  mo ngayon sa isip mo, Juvanie bakit ko kaylangan i-promote yung sarili ko eh yung product yung benibenta ko?

Magandang tanong yan..

Dito nagkakamali yung karamihan network marketers, pagka pay in pa lang, sa sobrang excited na kumita  agad negosyo, mukang bibig nalang lagi nila yung “ join me now, we have the best company, we have the best product o ibang pang nakakairitang marketing tactics. Tapos nagtataka sila kung bakit walang sumasali sa kanila, walang bumibili ng product nila. Please don’t get me wrong, aaminin ko gawain ko din yan dati kaya naintindihan kita kung ginagawa mo din yan.

Nung naintindihan ko na kaylangan ko palang i-brand yung sarili ko kaysa company at products ko. Ginawa kong kabaliktaran yung turo ng upline ko. Tinigil kona yung pag promote ng company ko at nag focus nalang ako sa pag provide ng value sa target market ko. By doing that, my personal brand will increase sa mata ng mga prospect ko.

Isa pang bagay na dapat mong ma realize, when you promoting the company name and products instead yourself. If you promoting your company name, you also promoting your crosslines at iba pang kakompetensya mo sa company nyo. Mas gugustuhin moba na imbesna sayo na sasali yung prospect mo ay napunta pa sa iba. Pag isipin mo yun.

So kaylan ko pala dapat i-promote yung product o business opportunity ko?

When the time your prospect start asking about it. Kung may personal brand at may authority kana sa mata ng mga prospect mo. Mag uumpisa yan sila ma curious kung ano yung business mo, ano yung product mo, anong company ka involved.

Hindi kana mahihirapan na i-close sila dahil sila na mismo yung nagpakita ng interest sa kung ano man yung ino-offer mo. Mas malaki kasi yung chance na bibili o sasali yung prospect mo kung sila yung unang mag approach sayo, kasi ibig sabihin lang yan, sila yung mas may kaylangan.

Hindi ko to basta imbento o kinukwento ko lang, base ito sa personal experience ko by implementing this marketing principle and by branding myself first.

How To Brand Yourself

Kung gusto mong i-brand yung sarili mo at maging authority sa mata ng prospect mo. Ito yung dapat mong pag focusan. Focus on giving value, focus on educating your audience.

Kung weight loss product yung benibenta mo, teach your audience/prospect on how to loss their weight. Anything na makakatulong sa mga problema ng target market mo. You will be a solution provider to them.

Paano yan hindi ako magaling, hindi ako expert?

Alam mo sa isip mo lang yan, hindi mo kaylangan maging magaling, at lalong hindi mo din kaylangan maging expert para makapag provide ng value sa target market mo.

Kung may mga mali kang nagawa sa business mo dati, pwede mo yun i–share sa audience mo para maiwasan nila na mangyari sa kanila yun.That’s providing a value.  Ganun lang din ako nag umpisa.

Kaylangan mo lang, is you know one step ahead than your audience o prospect hanggang sa mag grow ka as a person that have more value to others.

This is on how you brand yourself.

You don’t need to be an expert to start, you need to start to become expert

-Zig Ziglar




The problem is that most people never take action. When they don't take action, they won't get any results. I care about your success and that is why I believe in being true and absolutely transparent with you. I hope our paths cross again. God bless you partner!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento