MGA PAHINA

Huwebes, Disyembre 21, 2017

GUSTO MO BA TALAGANG MAPADAMI YUNG MA RECRUIT AT TUMAAS YUNG BENTA NG PRODUCTS MO?


Then,  taposin mong basahin ng buo tong article nato.

Pero bago ang lahat gusto muna kitang tanungin kung ano ba yung pumapasok sa isip mo kapag nakarinig ka ng salitang ito.

Recruiting
Sponsoring
Selling
May naisip kana ba? Ano tumatak sa isip mo?

Kung may NEGATIVE beliefs ka sa mga salitang yun mahihirapan ka lalo sa business mo.

Ganito yun, halos lahat sa mga networkers ay nahihiya at naiilang kapag tinatanong na sila ng mga prospect nila ng mga salitang iyon.

Mahihirapan ka lalo makapag recruit, maka sponsor at makapag benta.

Minsan kapag tinatanong sila ng prospect “kaylangan ko bang mag recruit  para kumita” , “Kaylangan ko bang magbenta”, sinasagot nila agad ay HINDI.

“Hindi mo kaylangan mag recruit dito.”

“Hindi mo kaylangan mag benta dito.”

Minsan nilalagyan pa nila ng twist na nagshi-share lang daw sila at hindi sila nagbebenta. Kung baga, iniiwasan nila yung part ng recruiting, sponsoring at selling.

Para ka kumita sa Network Marketing business mo, kaylangan mong makapag recruit, maka sponsor at mabentahan yung prospect mo.

Kaylangan mo silang i-guide sa process ng recruiting, sponsoring at selling, dahil ito yung pinaka importanteng part ng iyong business para ka kumita.

Kikita kana ba pag may na invite ka sa opis nyo? Kikita kana ba pag na handle mo yung objection ng prospect mo?

Hindi pa naman diba?

Kaylangan mong yakapin at masterin yung mga salitang recruiting, sponsoring at selling para tumaas yung kita mo.

At mag uumpisa ito kung tama yung mind set mo, kung tama yung belief system mo sa recruiting, sponsoring at selling.

Yung mga prospect kasi natin ay may mga kanya-kanyang problema yan financial problems, family problems, personal problems, etc.

Bilang professional networker trabaho mo na alamin yung mga problema ng prospect mo dahil yon yung mag uudyok sa kanila para sumali o bumili ng product mo.

Walang prospect na sasali o bibili mula sayo kung wala silang problema na pwedeng masolusyonan.

Kaylangan mong alamin yung mga problems, wants at needs nila para ma i-position mo yung opportunity o product mo as the solution to their problems, at sa gayun madali mo silang ma close sa business mo.

Kung gusto mong matulungan yung prospect mo, kaylangan mo silang ma recruit, ma sponsor at mabentahan ng product mo, ito dapat yung tamang mindset mo.

Dapat ikaw din mismo ay naniniwala na kaya talagang ma solve yung mga problema nila sa tulong ng iyong opportunity at products.

Bibigyan kita ng example kung paano mo matutulungan yung prospect mo by solving their problems.

Let assume na interesado talaga yung prospect mo at gustong –gusto talaga nila yung opportunity.

Pero may pumipigil sa kanila dahil walang pang pera o pang invest.

Ito yung pwedeng mong sabihin para matulungan mo yung prospect mo makapag desisyon.

Prospect: Oo nagustuhan ko yung business , pero wala pa akong pera.

Ikaw: Walang problema kung wala kang pera. Ang gusto kung malaman ay kung MERON kang nakikitang benefits sa opportunity nato para makatulong sayo at magkapera ka. Meron ba?

Prospect: Meron

Ikaw: Ano yung mga benefits na yun?

Prospect: Yung ganito, ganire..blah blah..blah..

Ikaw: Ok importante ba sayo na__________________?

(Ilagay mo dun sa blank space yung problems na pwedeng masolusyonan ng opportunity o product mo)

Prospect: Oo

Ikaw:  Kaylan ka magkaka pera? O sa tingin mo kaylan ka makapag raise ng pang invest?

Pakinggan mo lang maige yung isasagot nila, yung ginawa mo lang naman ay tinulungan mo yung prospect mo, tinatanong mo lang kung kaylan sya maka pag invest.

Dahil kung interesado talaga yung prospect mo ay gagawa at gagawa sya ng paraan para masolusyonan yung problema nila sa pamamagitan ng opportunity mo.

Conclusion

Kapag may any NEGATIVE belief ka about sa recruiting, sponsoring at selling.

I’m telling you my friend na lalong mahihirapan ka talaga sa business mo.

Ito yung pipigil sayo para magka resulta, kaylangan mong yakapin at mahalin itong recruiting, sponsoring at selling, wag mo itong iwasan dahil ito yung magbibigay sayo ng resulta sa business mo.

Now, gusto kung sabihin mo ngayon sa sarili mo na I LOVE RECRUITING, SPONSORING and SELLING.






The problem is that most people never take action. When they don't take action, they won't get any results. I care about your success and that is why I believe in being true and absolutely transparent with you. I hope our paths cross again. God bless you partner!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento