MGA PAHINA

Biyernes, Disyembre 15, 2017

ANG KWENTO NG ISANG PATO NA INA


Isang araw, may isang patong nagbabantay ng kanyang mga itlog dahil maya-maya ay mapipisa na ito.

Nasa kagubatan siya nun at isang pangyayari ang hindi niya alam na mangyayari.

Natagpuan siya ng isang mangangaso dala ang isang baril. Sa kanyang likuran ay isang mabangis at malaking hayop na handa siyang kainin. Isa pa ay biglang lumindol.

Takot na takot na ang inang pato.

MAMAMATAY BA SIYA?
MAPIPISA BA ANG MGA ITLOG?
MABUBUHAY BA ANG MGA BAGONG PISA?
Malaking problema na ang hinaharap niya.
Ngunit ganito ang mga sumunod na nangyari:

Naglaglagan ang mga kahoy dahil sa lindol. Dahil sa lindol, hindi nakabalanse ang mangangaso dahilan upang aksidenteng nakalabit ang gatilyo.

Tinamaan nito ang malaki't mabangis na hayop. Tumakbo ang hayop papasok sa gubat. Nablock niya ang mga debris na tatabon sana sa inang pato. Napisa ang mga itlog nga inang pato. Tumakbo paalis ng gubat ang mangangaso.

Sinasabi ng kwento na sa buhay, maraming dumadaang problema. Minsan, iisipin nalang natin na imposible nang malusutan ito. Ngunit, laging may pagkakataon kung saan mabibigla nalang tayo na nalutas na ang problema at naabot na ang ninanais.

Magtiwala ka lang, darating ang panahon, lahat ng iyong problema ay malulutas.








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento