MGA PAHINA

Huwebes, Disyembre 21, 2017

4 TIPS TO BUILD YOUR NETWORK MARKETING WHILE HAVING A FULL TIME JOB


So may current job ka ngayon at ginagawa mo lang yung network marketing business mo part time. Kung isa kang part time network marketer ngayon, gusto kitang i-congratulate dahil nagsimula kana din ng sarili mong business. Congrat’s  🙂

Alam moba na halos lahat ng mga successful network marketers na kakilala ko ay nagsisimula lang sa pagiging part timer. Naging full time sila sa negosyo nila nung lumaki na yung grupo at nalagpasan na yung sahod nila sa trabaho.

Ako din mismo nagsimula ako bilang part time networker habang may full time job. Yung mga naging business partners at downlines ko ganun din yung eksaktong sitwasyon nila.

Full time work for your living expenses, part time work for your FREEDOM. Ayos ba?

Kung nagsisimula ka pa lang ngayon bilang part time networker at kung alam mo na hindi pa talaga  kayang suportahan yung living expenses mula sa kinikita mo sayong negosyo. My advice is, wag ka munang mag resign, kunting tyaga lang kahit ayaw muna sa trabaho mo.

Gamitin mo yung sahod mo para sa pang araw-araw na gastusin. Yung kinikita mo naman mula sa negosyo mo, gamitin mo para lumago pa lalo yung business mo. Reinvest in your trainings (books, video courses) to grow yourself as well.

Yung maling ginawa ng iba ay nag decide sila na mag start ng sariling negosyo, tapos kahit hindi pa gaanong kalaki yung kinikita nila ay nag decide na sila huminto sa kanilang trabaho. Yung nangyari, nagkanda utang-utang sila dahil sa panggalaw (marketing expenses) na hindi kayang pondohan ng kinikita nila mula sa network marketing business.

Hindi naman kasi consistent yung kita sa negosyo lalo na kung nagsisimula ka pa lang. Kaya wag ka munang mag resign hangga’t hindi pa umaabot ng triple sa sahod mo yung kinikita mo sa negosyo ngayon.

You cannot build a network marketing business without building it a part time.

Ngayon, bibigyan kita ng 4 tips at tools na pwedeng mong gamitin para i-build yung network marketing business mo kahit may full time job ka.

Tip # 1: Leverage The Internet

Internet ay napaka powerful tool para sa pag build ng network marketing business mo. Take advantage on it. You can use social media like facebook, youtube, instagram, etc para makahanap ng prospects kahit nasa bahay ka lang.  Thanks to the internet.

Tip # 2: Start A Blog

Kung wala ka pang blog ngayon, dapat umpisahan muna sa lalong madaling panahon. I started blogging strategy last year 2015. Masasabi kong ang laking tulong ito sa negosyo ko. Naging 10x yung naging resulta ko kumpara nung hindi ko pa inumpisahan mag blog.

Imagine na yung prospect mismo yung makakahanap sayo online, binabasa yung blog post mo at kapag naging interesado sila sa ino-offer mo, sila pa mismo yung ko-contact sayo. Ang lupit diba?

Alam moba na halos lahat ng naging downlines ko ay hindi ko pa sila nami-meet personally, nakilala lang nila ako sa pamamagitan ng blog. May mga business partners ako na nasa ibang bansa, sa Mindanao, Visayas at Luzon.  Malalayong lugar na hindi ko pa mismo napuntahan.

Yung blog mo ang magiging galamay mo sa yung business na habang nagtatrabaho o may iba kang ginagawa. Ang blog mo ang magiging propecting tool para sayo.

Kung gusto mo din mag start ng sarili mong blog, I recommend impact instrument dahil ito din mismo yung ginagamit ko ngayon dito sa blog nato. Impact instrument ay  very user friendly at napaka dali lang gamitin, may mga built in video tutorial na pwede mong panoorin kaagad.

Gamit ang impact instrument, you can have a blog within 5-10 minutes. Ganun lang kadali.

Tip # 3: Use Autoresponder

Kung isa kang empleyado, malamang may piling oras ka lang na pwede kang available. Hindi mo kayang i-follow up yung mga prospects mo araw-araw, oras-oras kung may full time job ka. Sa negosyo mo, kaylangan mong i-follow up yung prospect mo dahil hindi naman agad sila mag de-decide na bibili at mag jo-join sayo sa unang exposure pa lang. Kaylangan mong i-follow up yung mga prospect mo na nagpapakita na ng interest sa kung ano man yung ino-offer mo.

Yung solusyon sa problema nato ay si Autoresponder.

Autoresponder ay online software na pwede mong gamitin to follow up your prospect gamit ang email nila. You can follow up your prospects anytime na gusto mo na hindi na kaylangan ng presensya mo. Pwede kang mag set up ng automated follow up email kapag ng optin o nag fill up sila sa form na ginawa sa website mo.

Medyo may pagka techie ito, pero alam kung kaya  mo naman pag aralan basta willing ka lang matutu.

Tip # 4: Create Facebook Page

Facebook page o mas kilala sa tawag na fan page ay libreng tool para maka pag build ka ng sarili mong audience o followers. Kung wala ka pang fan page, I highly suggest na gumawa ka. Dahil karamihan sa mga tao (prospects) ay nasa facebook na nakatambay ngayon.

Sa ngayon, meron na akong 3,557 likes sa ginawang kong Pinoy MLM Tips fan page, dito sa fan page ako madalas mag share ng  MLM Tips, blog post at any content na alam kong makakatulong sa audience o followers ko.

Kung hindi mo pa nalike yung Pinoy MLM Tips fan page, hit like button for more updates.

Isa pang best feature na nagustuhan sa facebook page ay pwede mong i-schedule yung post mo. Ganun kalupit, napaka useful nito kung isa kang empleyado at kung may iba kang ginagawa.

So that’s a 4 tips for a part time o kahit full time networker. Apply this 4 tips now and take advantage sa mga tools na tinuro ko sayo.

Ikaw part time networker ka ba o full time kana ngayon sa negosyo mo?





The problem is that most people never take action. When they don't take action, they won't get any results. I care about your success and that is why I believe in being true and absolutely transparent with you. I hope our paths cross again. God bless you partner!








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento